Gusto ko na mag next week para hindi na ako nagkakaganito putangina
Undertaker.
Yung kaisa-isang babae na mahal ko mahimbing na siguro na natutulog ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganitong oras ng madaling araw eh magda-drama ako. Eto siguro yung mga oras na hindi muna ako magbibiro o magpapatawa. Ewan ko ba. Ganon lang talaga siguro kapag mga ganitong oras ay gising ka parin at gustong-gusto mo na mayakap at mahawakan ang kamay ng taong minamahal mo.
Kapag sinimulan mo na ito basahin ibig sabihin dito na yung part na talagang seryoso yung sasabihin ko…
Gusto ko lang naman ipaalala sayo na hindi ako mawawala sayo. Hindi naman kita pababayaan at lagi ako nandito para sa’yo if ever na gusto mo ng makakausap o gusto mo ng maiiyakan. I know na parang napaka-generic na ng mga sinusulat ko pero gusto ko lang talaga ipaalala sayo sa bawat pagkakataon na gumagawa ako ng ganito para sa’yo. Natutuwa ako dahil ganito tayo ngayon, na masayang-masaya tayo sa isa’t-isa, na nagkakasundo tayo at normal ang ating relasyon dahil nag-aaway tayo. Tama nga naman na wala talagang perpektong relasyon at lahat ng mga nagmamahalan ay nag-aaway din paminsan-minsan.
Masaya ako kasi legal tayo sa mga magulang mo. Wala silang reklamo sakin at walang reklamo ang mga magulang ko sayo. Sinabi nga ng mom ko na mag-focus muna tayo sa studies/career natin. Tama naman yun. Gusto ko na magfocus ka sa studies mo. Huwag mo ako alalahanin dahil sinisigurado ko naman sayo na hindi ko pababayaan ang sarili ko. Umayos ka dahil gusto ko na mag-graduate ka agad para mapakasalan na kita. Okay? Umayos ka rin dahil gusto ko ako lang ang lalaki ng buhay mo. Ako lang ang bubuo ng mga pangarap mo at ako lang ang makakasama mo hanggang sa magkaroon ng wrinkles yang mukha mo. Ako din yung dapat mo makasama sa harapan ng altar at ng pari. Kahit naman hindi tayo ikasal tayo naman na talaga hanggang huli diba? Huwag ka lang magsawa sakin. Alam ko na may pagkatopak ako minsan at yun ang dahilan kung bakit tayo nag-aaway pero sana intindihin mo nalang ako.
Ikaw lang naman yung babaeng nagpapasaya sa araw ko eh. Yung babaeng bumubuo ng buhay ko. Yung babaeng kukumpleto ng buhay ko kapag pinakasalan ako. Pero huwag muna natin alalahanin yung mga yun. Bata pa tayo eh. Basta asikasuhin muna natin yung future natin. Para maging maganda rin yung future ng magiging anak natin.
O basta ayun na ha? Magpakabait at magbehave ka ha? Malapit ka na pumasok sa college at alam kong maraming tarantadong lalaki sa papasukan mong eskwelahan. Well alam naman natin na sa bawat eskwelahan o lugar ay may mga tarantado at loko-loko talaga. Basta umiwas ka sakanila. Sabihin mo rin sakin kung may nagtatangkang manakit sayo, ako mismo ang makakaharap nila. Saktan na nila ako huwag lang ikaw, magkaroon na ako ng sakit huwag lang ikaw.
Basta alam mo naman na. Ayoko masyado sabihin sayo na mahal kita kasi mas gusto ko na patunayan at ipadama sayo. Yun na yun.
#ChuckNorris #PhillipSalvador #Undertaker #AiAiDelasAlas #Bogart
Sleeping With Sirens - Iris (Goo Goo Dolls cover)
This is what my baby always wants me to do ;)
(via strawberrytelle)
Mahal kita, SOBRA. Kahit na lagi ka nagkakaroon ng sakit at napakabigat ng kamay mo sa pamamalo mo sakin at kahit na lagi ka nangangagat at kahit na lagi mo ako sinasampal for no apparent reason. Basta tanggalin mo lahat yan at basahin mo nalang yung naka bold letters.
So alam niyo na kung sino mas lalake saming dalawa?
Have shared a picture from #Fotolr#
Puta miss ko na yung ganitong buhok ko :(
The game show in Eat Bulaga that requires a group of people to sway their hands to left or right just to navigate the car to collect coins and to avoid booby-traps are just the worst game a human being could ever think of.
Kapag may mahal ka dapat makuntento ka. Huwag ka maghanap ng bagay na wala sa kanya at huwag mo rin siya ikumpara sa iba. Kasi mas masarap magmahal ng kuntento kahit hindi kumpleto kaysa kumpleto pero hindi naman totoo.
Hi! Kung nabasa mo ito ibig sabihin nanguya mo na yung Ruffles at Maltesers. Tataba ka sakin seryoso, lagot ka. Hahaha. Gusto ko lang malaman mo na miss na kita. Thank you pala kanina at thank you sa napakasarap na breakfast na inihanda mo sakin :”>
Magbehave ka nga, akin ka lang eh. Bawal ka na maagaw pa kasi akin ka lang eh (redundant mo ha?). Ok na ok na tayo diba? Approval nalang ng kuya mo ang kailangan ko kasi legal naman na tayo sa mga magulang natin at alam naman nila na seryoso tayo sa isa’t-isa.
Pwede ba umayos-ayos ka kapag nag college ka na? Bawal mag cutting, uminom at gumala. Piliin mo ng mabuti mga kaibigan mo ha? Kapag kailangan mo ng tulong sa assigment o project… Gamitin ang google ha? Lagi mong tatandaan na andito naman ako palagi kapag kailangan mo ng payo o kailangan mo ng kausap (Pangit naman kasi kung kakausapin mo yung sarili mo baka magmukha kang buang.)
Mahal na mahal kita gellieprieto. Hindi ko nalilimutan ang bawat araw na dumaan simula nung nakilala kita :)
Hindi mo naman kailangan ng maganda/gwapo na karelasyon para gumanda yung buhay mo eh. Hindi mo ba naisip na mawawala din yun? Hindi mo ba naisip na magkakaroon din tayo ng mga wrinkles at papangit din tayo kapag tumanda na tayo?
Hindi mo naman pwede sabihin na “okay lang yan dahil may plastic surgery naman eh.”. Bakit? Kasi hindi naman dapat talaga basehan ang itsura ng mamahalin mo eh. Puso naman ang ginagamit hindi ba? Hindi mo dapat ginagamit yung mata mo para makita yung panglabas na kaanyuan niya. Gamitin mo yung puso mo para malaman mo yung intensyon niya at para narin madama ang nararamdaman niya para sayo.
Karamihan kasi gusto nila may itsura yung ka-relasyon nila para may maiharap sila sa mga kaibigan nila. Para may maipagmayabang sila o para naman sang-ayon ang kaibigan nila sa karelasyon nila. Hindi naman yun dapat ganon eh. Hindi ka rin naman “COOL” kung naka-sandamakmak na boyfriend/girlfriend ka na. Pero hindi ko rin naman sinasabi na dahil nakarami ka nang ex boyfriend/ex girlfriend eh malandi o hindi ka na pwede magkaroon ng seryosong relasyon.
Kagaya ng sinabi ko, wag dapat gamitin ang mata. Puso at isipan ang laging gamitin, hindi naman kasi talaga importante ang itsura yun naman ay unti-unti ring mawawala.

